-- Advertisements --

Limang katao ang patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila nitong Huwebes ng gabi.

Pasado alas-nuebe ng bariln ng hindi kilalang suspek ang 37-anyos na si Efren Diesto habang nasa tabi ng kalsada sa Payatas, Quezon City.

Sa loob naman ng kaniyang bahay ng pinagbabaril ng limang katao na lulan ng motorsiklo ang 40-anyos na si Eduardo Abuyan habang ito ay patulog na sana sa Lupang Pangako, Payatas Quezon City.

Patay din ang hindi pa nakikilalang tricycle driver sa Batasan Hills kung saan nakuhanan pa ito ng iligal na droga.

Pinagbabaril din ng hindi kilalang suspek ang barker ng jeep na si Jojo Agustin, 27.

Naganap ang insidente sa Arnaiz Avenue, Pasay City kung saan nakatakbo pa ang biktima subalit hinabol ito ng suspek at pinagbabaril.

Hindi rin nakaligtas sa pamamaril ang notorious drug pushers matapos na manlaban sa mga kapulisan sa Malate, Maynila.

Ikinasa ng mga kapulisan ang buybust operation laban kay alyas Nor subalit ng ito aaarestuhin bigla na lamang siyang nanlaban.