-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang naganap na pamamaril sa Toronto, Canada.

Napatay ng mga kapulisan ang suspek matapos na ito ay nakipagbarilan sa mga kapulisan.

Naganap ang pamamaril sa isang apartment building kung saan dinala naman sa pagamutan ang nasugatang biktima.

Nagpaabot naman na pakikiramay si Vaughan’s mayor Stephen Del Duca sa kaanak ng mga nasawing biktima.

Inaalam pa nila ang motibo ng nasabing pamamaril.