-- Advertisements --
Nasa limang katao ang namatay habang 18 naman ang sugatan sa naganap na mass shooting sa isang LGBTQ nightclub sa Colorado Springs sa Estados Unidos.
Ayon kay police spokesperson Pamela Castro, posible raw na mabago pa ang bilang ng mga nasugatan at namatay habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.
Sinabi ni Castro na nakatanggap daw ang mga pulis ng emergency call at sinabi ng caller ma mayroong active shooting sa isang local club na Club Q.
Agad naman daw rumisponde ang mga medical team at officers.
Hindi pa raw matukoy ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga indibidwal na pinaniniwalaang suspek sa krimen.