-- Advertisements --

Nag-abiso ang Maynilad Water Services Inc. na mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan city simula sa Miyerkules, Abril 3 dahil sa gagawing scheduled maintenance activity sa lugar.

Ayon sa Maynilad, magsasagawa ng interconnection activity kasama dito ang installation ng tee fitting na kailangan para sa tapping ng bagong primary at secondary lines sa may P. Dela Cruz sa Barangay 166 mula alas-11 ng gabi sa Abril 3 hanggang alas-4 ng umaga sa Abril 4.

Ito ay parte ng patuloy na pagsisikap ng kompaniya para mapaganda ang serbisyo sa tubig sa West Zone.

Kaugnay ng nakaambang water interruption, hinihimok ang mga residente sa apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig sa nasabing petsa.

Tiniyak naman ng Maynilad na mayroong naka-standby na tankers na handang magrasyon ng tubig sa mga apektadong lugar kung kailanganin.

Inabisuhan din ang mga residente na sa oras na bumalik na ang suplay ng tubig, hayaan munang umagos ito ng ilang segundo hanggang maging clear na o malinis na ang tubig.