GUIHULNGAN CITY -Umabot sa limang minuto ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng 62nd Infantry Battallion at ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon, Oktubre 12, sa Brgy Calupaan, Guihulngan City, Negros Oriental.
Isinagawa ang operasyon bilang tugon sa impormasyong natanggap mula sa isang concerned citizen kaugnay sa presensya ng rebeldeng grupo sa nasabing lugar.
Nakaengkwentro ng 62IB ang limang teroristang NPA na mga miyembro ng Central Negros 1, Komiteng Rehiyon- Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor (CN1 KR -NCBS).
Wala namang nasawi sa panig ng gobyerno, habang posible namang may nasugatan sa kalaban batay sa mga bahid ng dugo na nakita sa ruta na dinaanan ng mga ito pagtakas.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang ulat, nagpaplano pa umano ang mga makaliwang grupo na magsagawa ng mga aktibidad ng panggigipit at pangingikil laban sa mga residente ng Guihulngan City at karatig munisipalidad ng Vallehermoso.
Tiniyak naman ng 62IB na mapigilan ang muling pagbalik ng mga teroristang NPA sa lugar sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng Local Task Forces-ELCAC.
Samantala, naitala ang ikalawang engkwentro kaninang umaga October 13, sa pagitan ng mga sundalo ng 62nd IB at ng nasabing mga NPA sa Brgy. Trinidad Guihulngan City.
Narekober pa ang mga armas at ilang war materials ng pinaniniwalaang NPA.