-- Advertisements --
Nasa limang katao ang nasawi ng maganap ang pagsabog sa pantalan ng Odesa sa Ukraine.
Naganap ang insidente sa kasagsagan ng pulon ni President Volodymyr Zelensky kay Greek PM Kyriakos Mitsotakis.
Wala namang nasaktan sa magkabilang panig ng maganap ang nasabing pagsabog.
Inamin ng Russia na tinarget nila sa missile attack ang maritime drone facility sa commercial port area.
Dahil dito ay inakusahan ni Ukrainian President ang Russia ng hindi nag-iingat sa mga target nila kung saan maging ang mga sibilyan ay nadadamay na.
Mariing kinondina ito ni European Commission President Ursula von der Leyen na hindi dapat nangyayari habang nagsasagawa ng pulong.









