ILOILO CITY- Umaabot sa limang bigtime drug group ang patuloy na nag-ooperate sa buong Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Mark Anthony Darroca, chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) Region 6, sinabi nito na sa nasabing numero, tatlo dito ay aktibo at na-monitor sa Negros Occidental.
Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na 80% ng mga drug group sa Western Visayas ay may contact sa drug personality na si Joven Abantao alyas Jovan na siyang lider ng Abantao Drug Group, residente sang Barangay Calaparan, Arevalo, Iloilo City at nakakulong ngayon sa New Biblibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Darroca, nang tiningnan nila ang cellphone ng kanilang naarestong mga durugista, nadiskubre nila ang mga mensahe ng mga ito kay Abantao.
Si Abantao ay tauhan ng pinatay na druglord sa Western Visayas na si Melvin “Boyet” Odicta Sr.
Samantala, nilinaw ni Darroca na walang drug group sa Iloilo City, Iloilo Province, Antique, Aklan, Capiz at Guimaras.