-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinira ng landslide ang limang kabahayan sa bayan ng Lambunao, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lambunao, Iloilo Vice Mayor Arvin Losaria, sinabi nito na gumuho ang lupa sa isang bundok na sakop ng Barangay Walang sa nasabing bayan

Walang nasugatan sa insidente, pero pahirapan ang mga residente na makadaan dito.

Kaagad namang inilikas sa isang kapilya ang mga apektadong residente.

Matagal na rin umanong inabisuhan ang mga residente na lumikas pero nagmamatigas ang mga ito.