-- Advertisements --

Maaring maturukan ng ika-apat na anti-COVID-19 vaccine dose bilang booster shot ang mga immunicompromise, ayon sa Vaccine Expert Panel (VEP).

Sinabi ni VEP chief Dr. Nina Gloriani, dahil tatlong primary series na ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng mga immunocompromised, ang ika-apat na dose ay maaring magsilbi bilang kanilang booster shot.


Paglilinaw ni Gloriani na ito ay para lamang sa mga immunocompromised at hindi sa general population.

Mababatid na ang Department of Health ay patuloy na nagtuturok ng third dose sa senior citizens at immunocompromised habang booster shots naman ang ibinibigay sa tapos na sa tatlo hanggang anim na buwang requirement matapos na maturukan ng second dose.

Ayon kay Gloriani, hindi pa natatalakay ng pamahalaan ang pagtuturok ng ikalawang booster shot dahil wala pang sapat na datos para rito.