-- Advertisements --

Tinatayang nasa 49 Pilipino pa ang nasa Afghanistan hanggang sa ngayon habang 158 naman ang umalis na sa naturang bansa o lumikas kasunod nang pag-takeover ng Taliban, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Base sa situation bulletin ng DFA, napag-alaman na 42 Pilipino pa ang humihiling sa kanilang kompanya o sa gobyerno na sila ay matulungan sa pag-uwi sa Pilipinas.

Samantla, ang Philippine Embassy sa Islamabad ay mayroon na ring arrangement para sa evacuation ng 30 Pilipino na lumikas papuntang Pakistan.

Karagdagang 10 Pilipino pa ang naka-alis na rin sa Kabul papunta naman sa iba’t ibang destinasyon: walo sa Dubai; isa sa Doha, Qatar; at isa sa Paris, France.

Limang Pilipino naman ang tinulungan ng Indonesia at kasalukuyang nasa Jakarta pa.