Aabot sa 47 million doses ng COVID-19 vaccines ang kasalukuyang nakatago sa mga storage facilities ng pamahalaan at hindi pa rin naituturok hanggang sa ngayon, ayon sa adviser ng National Task Force Against COVID-19 na si Dr. Ted Herbosa.
Ayon kay Herbosa, ang datos na ito ay naitala hanggang noong Oktubre 31, 2021.
Kahapon, mahigit 860,000 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa Pilipinas, kaya naman umakyat ang total jab supply ng bansa sa 110,646,500 doses.
Sinabi rin ni Herbosa na mayroong 1.5 million doses ng AstraZeneca vaccines na bigay ng COVAX noong nakaraang buwan ang nakatakdang mapaso sa Nobyembre 30.
Pero wala naman aniyang problema rito tulad ng nangyaroo noong Abril kung saan naubos din naman ang mga bakuna na noong mga panahon na iyon ay malapit nang ma-expire.