-- Advertisements --
Aabot sa 45 protesters sa Seattle ang inaresto dahil sa pambabato sa mga kapulisan.
Kinasuhan ang mga ito ng assaulting officers, obstruction at failure to disperse.
Nasugatan kasi ang 21 kapulisan matapos na batuhin sila ng mga bote at ilang pampasabog.
Itinuturing ng mga otoridad na isang riot ang nasabing pangyayari.
Umabot na ng ilang linggo ang nagaganap na kilos protesta sa dahil sa nagaganap na police brutality at systemic racism.