-- Advertisements --

Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 27,000 tradisyunal na jeepney na dumaan sa 302 ruta sa Metro Manila.

Ito’y matapos magdagdag ng 44 na ruta ang naturang ahensya para mas marami pang madaanan ang mga jeepney.

Ang pagbubukas ng mga bagong ruta na ito ay nakasaad sa Memorandum Circular 2020-058 noong Sabado.

Nangako naman ang LTFRB na patuloy nilang aaralin ang pagbubukas ng mas marami pang ruta ng mga public utility vehicles (PUVs) matapos ang ilang buwang suspensyon ng mga pampublikong transportasyon dahil sa coronavirus pandemic.