Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Supreme Court (SC) dahil bigo nitong siguruhin na maaayos ang 39 Halls of Justice (HOJ) sa buong bansa na pinondohan na sa ilalim ng General Appropriations Act mula 2016 hanggang 2019.
Base sa 2019 audit ng kataas-taasang hukom, sa 48 infrastructure projects sa Halls of Justice simula 2016 hanggang 2019 ay 39 projects o katumbas ng 81.25 percent ang hindi pinaayos.
Mayroon pa umanong limang proyekto 10.42 percent ang hindi natapos noong 2016, habang apat na proyekto o 8.33 percent ang nakumpleto ngunit hindi naman nasunod ang scheduled dates of completion.
Nakasaad pa sa naturang ulat ng state auditor na dahil ito sa hindi sapat na pagpa-plano ng SC, kakulangan sa koordinayon sa mga local government uinits (LGUs, gayundin din sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kulang din aniya ang technical personnel na mag-aayos sa mga HOJs na naging dahilan umano upang hindi magamit ang nasa mahigit P3 billion na pondo.
Saad pa ng COA na nakatanggap ang Korte Suprema ng P3.9-billion mula sa Department of Budget and Management (DBM) mula 2016 hanggang 2019 sa ilalim ng Justice System Infrastucture Program (JUSIP), partikular na para sa konstruksyon o rehabilitation ng 48 HOJ nationwide.
Ang budget para sa HOJ ay aabot ng P6 million hanggang P836 million. Ayon pa sa COA, naglabas ang DBM ng P210 million noong 20126; P912-million (2017); P1.047-billion (2018); at P1.78 billion (2019).
Inirekomenda ng COA sa SC na gamitin ng maayos ang pondo para sa mga infrastructure projects sa pamamagitan ng pagbibigay direktiba sa Office on Halls of Justice (OHJ) para makipag-ugnayan sa mga concerned LGU at alamin ang donated slots para sa proyekto na maayos na nai-turn over sa Korte bago ang budget proposals o inclusion sa approved Annual Procurement Plan (APP).
Kailangan din umanong maayos na planuhin ang lahat ng infrastructure projects sa pamamagitan naman ng pagsasagawa ng preliminary at detalyadong engineering activities, gayundin ang pagtitiyak sa plano, disenyo, drawing at iba pang kinakailangan na dokumento bago isagawa ang procurement activities upang maiwasan na rin ang anumang delays.










