Paghahatian ngayon ng nasa mahigit 400 mga mananaya ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.
Ito ay matapos na makuha ng 433 bettors ang winning combination na 09-45-36-27-18-54 na may jackpot prize na nagkakahalaga sa tumataginting na Php 236,091,188.40 nitong Sabado, October 1, 2022.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nagkakahalaga sa Php 545,245.24 ang matatanggap ng nanalong mananaya sa Lotto.
Bukod dito ay mayroon din 331 na mga nanalong bettor sa Php100,000 na halaga ng second prize, habang nasa 2,491 naman na mga mananaya ang nanalo ng third prize.
Samantala, ang Superlotto 6/49 naman ay umabot na sa Php110,134,645.60 ang halaga jackpot prize na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatamaan.
Habang sinasabing posible na rin anilang umabot sa Php 100 milyon halaga ng jackpot prize sa susunod na draw ng Ultra Lotto 6/58.