-- Advertisements --

acg1

Arestado ang 41 indibidwal na nahuli sa aktong nag ooperate ng cybersex dens, sa ikinasang simultaneous operations ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa tatlong magkaibang lugar sa Valenzuela City at Batangas kahapon July 13, 2021.

Ayon kay PNP ACG Director BGen. Robert Enriquez matagumpay na nabuwag ng mga operating units ang cybersex activities ng mga suspeks na nagpapanggap na call center representatives na nag ooperate sa commercial establishments sa Paso de Blas, Valenzuela City at Lipa City, Batangas sa isang residential area sa Sto. Tomas, Batangas.

Sinabi ni Rodriguez, nag ugat ang nasabing operasyon ng makatanggap ng impormasyon ang ACG mula sa isang concerned cirizen sa pamamagitan ng E-ACCESS (Enhanced, Anti-Cybercrime Campaign, Education, Safety and Security) hinggil sa kahina hinalang call center activities.

Batay sa imbestigasyon ng ACG na itong mga cybersex syndicates ay nambibiktima ng LGBT members kung saan ino offer sa kanila ang isang malaswa o erotic massage services na maaari lamang nila i avail matapos bayaran ang registration fees gamit ang kanilang credit cards.

Sinabi ni Rodriguez, ang mga suspeks ay nagpapanggap bilang nga US-based young and attractive males and females.

Sa sandaling makakuha na ng 50 US dollars sa credit card.account ng kanilang mga biktima ay agad na nilang i blocked ang online registration ng mga ito.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang mga desktop computers na isasailalim sa digital forensic examinations.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Valenzuela City Police Station, Lipa City Police Station at Sto. Tomas City Police Station ang mga nahuling suspeks ba mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012”.

Pinuri naman ni PNP Chied Gen. Guillermo Eleazar ang matagumpay na operasyon ng ACG at ang pagkahuli ng mga cybercrime suspects ay nagpapakita lamang na epektibo ang pakikipag-ugnayan at pagtugon ng kumunidad sa panawagan ng PNP sa pamamagitan ng mga pinapatupad na programa para mas mapabilis ang pagkahuli at dina makapangbiktima pa ang mga suspeks.

Giit ni PNP Chief, ang PNP E-ACCESS ay bunga ng mas pinaigting na Intensified Cleanliness Policy.