-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Purok 7, Barangay Calabaca, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Arnel Caracas, 41-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na nakatanggap ng tawag ang Capalonga Municipal Station galing sa kapitan ng nasabing lugar hinggil sa nasabing insidente.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang biktima nang biglang dumating ang suspek na kinilalang si Jio Alvarez, 26-anyos, residente rin sa nasabing lugar na may dalang bolo at pinagtataga ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa kaniyang mukha at iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad rin namang dinala sa ospital para sa karampatang asistensya medikal.

Samantala, nang akala ng suspek na patay na ang biktima agad naman itong umalis sa pinangyarihan ng insidente ngunit agad rin itong nadakip ng rumespondeng barangay tanod sa lugar.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng ng mga awtoridad ang nasabing suspek, habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.