-- Advertisements --
Naniniwala ang Puerte Rican boxing legend na si Miguel Cotto na huling tiyansa na ni Gennadiy Golovkin na makaganti sa September trilogy fight niya kay Mexican superstar Saul “Canelo” Alvarez.
Kung maalala sa unang laban ng dalawa ay nauwi sa tabla, habang sa rematch ay bahagyang lumamang sa score si Canelo upang talunin ang ngayon ay 40-anyos na si Golovkin noong taong 2015.
Naniniwala si Cotto na last chance na raw ni Golovkin na makakuha ng major win lalo na at nagkakaedad na rin ito.
Dapat din daw abangan ang pagpapakitang gilas ni Canelo dahil napahiya ito nang talunin ni Dmitry Bivol noong buwan ng Mayo.