-- Advertisements --
ROXAS CITY – Sugatan ang 4 katao kabilang na ang indian national sa salpukan ng dalawang sasakyan sa Barangay Lawaan, nitong lungsod.
Patuloy na ginagamot sa ospital sina Noel Buenvenidez, driver ng sasakyan kabilang ang mga kasamahan na sina Kathleen Yang, 34-anyos at menor de edad na si Mikay, pawang mga residente ng Barangay Agbalo, Panay, Capiz dahil sa natamong sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na binabaybay ng mga biktima ang daan sakay sa kanilang sasakyan ng biglang sumalpok ang kotse na minamaneho ng indian national na Delprit Singh.
Kaagad na dinala sa ospital ang apat para mabigyan nga lunas ang kanilang mga sugat.