-- Advertisements --

Iniulat ng Russian Federal Security Service na nadakip ang 4 pang suspek sa Moscow concert hall attack.

Ayon sa FSB, naaresto ang mga ito sa southern Dagestan region. Direktang sangkot aniya ang mga ito sa pagpopondo at pagsusuplay sa mga terrorist means ng mga salarin para sa isinagawang pag-atake noong Marso 22 sa Crocus city hall sa Moscow na ikinasawi ng mahigit 140 katao.

Sinabi naman ng national Anti-terrorism committee ng Russia a naaresto nila ang 3 katao na nagpaplanong magsagawa ng ilang serye ng terrorist crimes sa ikinasang operasyon sa regional capital ng Makhachkala at karatig na bayan ng Kaspiysk.

Matatandaan na una ng inanunsiyo ng Russian authorities na naaresto nila ang nasa 12 katao na konektado sa pag-atek kabilang ang naunang 4 na suspected gunmen na natukoy na Tajikistan nationals.

Sa ngayon, nasa 10 defendants na ang kinasuhan sa naturang terrorist attack.

Una ng inako ng Islamic state na sila ang responsable sa naturang masaccre bagamat una ng isinisi ni Russian President Vladimir Putin sa Ukraine at Western na nasa likod umano ng terror attack.