-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nadakip ang apat na indibidwal pagkatapos malaman na nagsasagawa ang mga ito ng iligal na pagmimina sa Goldfield, Poblacion, Itogon, Benguet.

Nakilala ang mga suspek na sina Johnny Sembrano Blosok, 33; Roel Akfiawen Charog, 23; Crisostomo Kisman Todco, 22, at si Jason Te-en Mansueto, 34, parehong mga binata at residente ng Goldfield, Poblacion, Itogon, Benguet.

Narekober ng mga awtoridad ang 30 sako ng gold ores at mga kagamitan sa pagmimina habang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek.

Ayon kay Pmaj. Romel Sawatang, hepe ng Itogon Municipal Police Station, aabot na sa limang indibidwal ang nahuli sa Itogon, Benguet dahil sa iligal na pagmimina.