-- Advertisements --

Naipasakamay na ng Slovakia sa Ukraine ang kalang apat na MIG-29 fighter jets.

Sinabi Slovakian Defense Minister Jaro Nad na pauna lamang ito sa 13 Mig-29 fighter jets na kanilang naipangako sa Ukraine kasama ang Poland na nangako ng apat.

Magugunitang humiling si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng mga fighter jets sa mga bansa para tuluyang malabanan ang pananakop ng Russia.

Minaliit lamang ito ng Russia at binatikos ang ibang mga bansa dahil sa tila pinapalala pa ang gulo sa pagitan nila ng Ukraine.