-- Advertisements --
Apat na bansa ang nagpahayag ng interest na mag-host ng 2023 Asian Cup matapos na umatras ang China dahil sa COVID-19 pandemics.
Kinabibilangan ito ng Australia, South Korea, Qatar at Indonesia.
Ayon sa Asian Football Confederation (AFC) na mayroong hanggang sa Hulyo 22 ang mga bansa na interesado na magsumite ng kanilang bidding.
Nakatakdang ianunsiyo ang nasabing desisyon kung sino ang mapipiling host sa buwan ng Oktubre.
Unang naghost ang Australia noong 2015 ganun din ang South Korea noong 1960 habang ang Qatar na 2022 World Cup host at dalawang beses ng naghost ng torneo noong 1988 at 2011.
Hindi pa nakahawak ang Indonesia ng hosting ng nasabing event.