-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 15 12 57 58 1

NAGA CITY – Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang apat na buwang gulang na baby mula sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Sa datos ng Department of Health (DoH) Center for Health Development-Bicol, ang sanggol ay asymptomatic at kasalukuyang naka-islotae habang inaalam pa ang history of exposure nito sa naturang sakit.

Samantala, dahil sa 14 new confirmed cases na huling naitala ng ahensya umakyat na sa 794 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa covid sa rehiyon.