CENTRAL MINDANAO-Nasakote ng mga otoridad ang apat katao sa isang drugden sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Jalil Maguilis, Johaiver Mamalumpong Usop, Jhonari Mamalacat at Alenajer Manalao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) at Marine Battalion Landing Team (MBLT-5) ang isang drugden na pinamumunuan ng isang Alyas Sadam sa Sitio Kitob Barangay Rumidas Buldon Maguindanao.
Hindi na nakapalag ang mga suspek ng mapalibutan ito ng PNP at MBLT-5.
Nakuha sa drugden ang 20 grams na shabu na nagkakahalaga ng 136,000.00 pesos at mga drug paraphernalia.
Maliban sa shabu nakompiska rin ng raiding team ang dalawang M16 Armalite rifles,isang M14 rifle,mga bala,magasin at mga personal na kagamitan ng mga suspek.
Nakatakas si alyas Sadam ng matunugan nito ang mga pulis at sundalo.
Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato City at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possession of firearms.










