-- Advertisements --
Arestado ang apat na katao sa anti-drug operations sa lungsod ng Makati.
Unang naaresto ang tatlong lalaki kabilang ang menor de edad sa buybust operation sa Barangay Comembo.
Nasamsam sa kanila ang walong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may street value na P11,000 at mga drug paraphernalia.
Sa ikalawang operation ay naaresto ang isang construction worker sa Mockingbird St., Brgy. Rizal.
Nakuha sa kaniya ang P1,000 halaga ng dried marijuana leaves.
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga suspek.