CENTRAL MINDANAO- Nasa ika 3rd batch na ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya sa public health emergency ng bansa dahil Covid 19 sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.
Nanguna mismo si Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal,Ist Lady Bai Kristel Montawal,SB Members,LGU,PNP,mga Volunteers at mga opisyal ng Barangay sa pamimigay ng tulong.
Ayon kay Mayor Montawal na walang tigil ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga residente sa labing isang Barangay lalo sa mga mahihirap ng pamilya.
Randam ng Alkalde ang hirap na nararamdaman ng taong bayan kung saan may nawalan ng trabaho at hindi nakapagtrabaho dahil sa mahigpit na pinatutupad na Preemptive Community lockdown para labanan ang Covid 19.
Namahagi rin ng tulong sa bayan ng Datu Montawal si Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu at karagdagang tulong mula kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Humanga naman ang mga ahensya ng gobyerno lalo na ang DSWD dahil tanging bayan lamang ng Datu Montawal sa buong Maguindanao ay nasa ika-tatlong beses na sa pamamahagi ng tulong sa mga residente.
Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 Free ang bayan ng Datu Montawal at hinigpitan pa ang pagpapatupad ng mga alituntunin para maiwasan ang banta ng nakakahawang sakit.