-- Advertisements --
DFA4

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 38 pang Pinoy sa ibayong dagat ang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon, nasa 523 na ang gumaling na mga OFWs sa naturang virus habang 215 ang namatay.

Ang pinakamataas na infections ay naitala sa Europe dahil 388 na mga Pinoy doon ang kasalukuyang sumasailalim sa gamutan.

Samantala, ang pinakamataas namang bilang ng recoveries ay mula sa Asia Pacific Region na mayroong 210 Filipinos na fully recovered na.