-- Advertisements --
Umakyat na sa 9,277 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.
Ito ay matapos na maitala ang 36 bagong COVID-19 cases sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP).
Base sa datos ng PNP, ang total recoveries naman sa kanilang hanay ay pumalo na sa 8,923 matapos na maitala ang 26 na bagong gumaling sa sakit.
Samantala, nananatili naman ang death toll sa 28.
Nasa 326 na active cases pa ang patuloy pa ring nagpapagaling o sumasailalim sa quarantine.
Ang mga pulis na nakakaranas ng sintomas ay pinapayuhan na kaagad magbigay-alam sa PNP Health Service.