-- Advertisements --

Nasa 35 katao ang nasawi habang 45 iba pa ang sugatan sa naganap na sunog sa isang simbahan sa Giza City, Egypt.

Sinasabing nagkaroon ng electrical malfunctions ang dahilan ng sunog na sanhi ng stampede.

Aabot sa mahigit 5,000 na mga mananampalataya ang nasa loob ng Abu Sifin church.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nasa malubha ang kalagayan ng ibang mga biktima.

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog sa nabanggit na simbahan.