-- Advertisements --

General Santos–Tatlongput-anim na dati ay mga myembro ng rebelde grupo ang nakatanggap ng cash assistance galing sa Department of Labor and Employment.

Ayon kay 1 Lt Jessie Hinampas, tagapasalita ng 73rd IB Phil. Army , na sa isang headquarter sa Brgy Felis, Malita Davao Occidental nangyari ang pamimigay ng ayuda na pinangunhan ng DOLE-Region 11.

Dagdag pa nito na nakatanggap ng tig P3,960 ang bawat isa, at lubos na ikinatuwa sa nasabing surenderee dahil ito raw ang magpapatunay na hindi sila pinabayaan ng gobyerno matapos silang sumuko, kahit pa man nakakaranas ngayon ng kakaposan dahil sa covid 19.

Samantala, nanawagan ito sa mga rebelde na sa ngayon nasa kabundokan pa na ito ay magbalik sa gobyerno upang manungbalik sa normal na buhay at kasama ang kanilang pamilya.