BOMBO DAGUPAN-Old grudge o matagal nang alitan ang hinihinalang dahilan ng pamamaril sa isang 33 anyos na babae sa Brgy Apaya ng bayan ng Malasiqui kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang biktima na si Marilou Boquiren, residente ng Brgy. Apaya sa naturang bayan at ang suspek na si Armand Mendoza, 37 anyos at residente rin ng Brgy Gomez sa naturang bayan.
Sa isinagawang imbestigasyon, binabaybay ni Boquiren ang Barangay Road, bandang alas-5 ng hapon , patungong silangang direksyon nang parahin ito ng suspek sakay ng kaniyang motor at binaril ito sa ulo na sanhi ng agarang pagkakasawi ng biktima.
Agad namang rumesponde ang mga kapulisan nang mapag-alaman ang krimen at natagpuan sa crime scene ang isang basho ng bala ng caliber 45 na ginamit sa pamamaril.
Dagdag pa ni Dela Cruz, maaaring matagal nang may sama ng loob ang suspek na siyang pinaghugutan nito ng krimen sapagkat ayon sa mga kakilala ng biktima ay pinagbibintangan lagi nito ang ka-live in partner ng suspek na ito ang hinuhuli ng mga kapulisan sa tuwing may inaarestong drug addict sa kanilang lugar.
Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ang suspek at gayun din sa pagbeberika ng ginamit nitong baril kung rehistrado ba ito o hindi.
Napag alamanan din sa track record ng suspek na dati itong drug surrenderee noong 2016.