-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries and damage to property ang drayber ng bus na nahulog sa coastal road sa may Barangay Lapasan sa lungsod.
Kinilala ang suspek na si Raymark Jay Guisijan, 26, ng Kadingilan probinsiya ng Bukidnon.
Ayon kay Agora police station deputy station commander Lt. Teddy Macarayo, mabilis ang takbo ng Pabama bus driver nang biglang nasira ang brake nito dahilan upang nawalan ito ng kontrol at nahulog sa bangin.
Sakay sa nasabing bus ang 31 mga pasahero na patungong Balingoan, Misamis Oriental.
Mabilis naman na dinala sa bahay-pagamutan ang mga biktima upang mabigyan ng agarang panglunas sa mga sugat na natamo nito sa nangyaring aksidente.