-- Advertisements --

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng 30-minute ‘heat stroke break’ para sa mga tauhan nito sa lansangan.

Ayon sa ahensya , ito ay bahagi ng kanilang hakbang na layong mapigilan ang mga sakit na maaaring makuha sa panahon ng tag-init sa mga field personnel nito na babad sa araw

Sa isang pahayag sinabi ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes, na magpapatupad sila ng shifting sa ilalim ng 30 minutes heat stroke break.

Sinabi pa ni Artes na sa oras na ito ay maaari silang uminom ng tubig, sumilong sa lilim, at pansamantalang magpahinga

Batay sa pagtataya posibleng tumindi pa ang init na mararamdaman hanggang sa Mayo ngayong taon dahil na rin sa epekto ng El Niño Phenomenon. (With reports from Bombo Victor Llantino)