-- Advertisements --

Aabot sa 30 na mga bagong panganak na ina ang dinapuan ng COVID-19 sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Ayon sa nasabing pagamutan na ang mga ito ay asymptomatic.

Hindi na sila inihawalay sa kanilang mga anak dahil sa karamihan sa kanila ay mga nagpapa-breastfeeding.

Dahil dito ay sinabihan ang mga ina na magsuot ng facemask at maghugas ng kamay lagi para maiwasan ang pagkakahawaan.

Bukod pa sa mga ina ay mayroong tatlong bagong silang na sanggol at dalawang bata ang nagpositibo sa COVID-19.