-- Advertisements --
CEBU CITY – Umabot na ngayon sa 129 ang kabuuang na-discharge na pasyenteng nakarekober sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa Cebu City Quarantine Center (CCQC) matapos madagdagan pa ito ng 30 nitong Biyernes.
Ayon pa sa pinuno ng CCQC na si Yvonne Cania, karagdagang 60 indibidwal ang kasalukuyan nilang ginagamot sa nasabing pasilidad.
Dumaan ang mga pasyente sa mahigpit na protocol treatment kabilang ang medical, pharmacological at psychosocial intervention.
Hinikayat pa ni Cania ang mga pasyenteng gumaling na ibahagi ang kanilang karanasan kung paano ang mga ito ginagamot sa quarantine center.
Sa ngayon, naglabas na ang CCQC ng apat na batch ng mga recoveries simula nung tumatanggap ito ng mga mild symptomatic na mga pasyente.