-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mahigit 30 bahay ang sinira ng malakas na hangin o buhawi sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-M’lang) Officer Bernardo Tayong ll na kasabay ng pagbuhos ng ulan ay nanalasa ang buhawi sa ilang Barangay sa bayan ng M’lang.

Tatlong mga residente ang naisugod sa pagamutan ng tamaan ito ng mga sanga ng mga natumbang punong kahoy at nagliparang atip ng bahay.

Apektado ng animoy buhawing hangin ang anim na Barangay na kinabibilang ng Barangay Tawan-tawan,Bialong, Buayan, Sangat,Lika at Poblacion Mlang.

Maliban sa mga bahay,pananim at mga punong kahoy na nabuwal sa buhawi ay nawalan rin ng suplay ng kuryente dahil may ilang poste ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) ang natumba.

Matatandaan na noong Hunyo 2,2020 ay nanalasa rin ang buhawi sa bayan ng M’lang.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang clearing operation ng MDRRRMO katuwang ang mga Barangay Officials.