DAVAO CITY – Tatlo ang sugatan kabilang na isang limang taon na bata sa nangyaring pagsabog ng garanada sa Purok 3 Barangay Eman bansalan, Davao del Sur.
Kinilala ang mga biktima na sila Joswe Llaneta, 50 anyos, Abloy Villaroya at Mark Jarrel Nimenzo, limang taong gulang.
Batay sa report ng Bansalan Police station, dumating sa lugar ang isang lasing na CAFGU member na nakilalang si Egliserio Bacus, 55 anyos at naka-alitann nito ang isa sa mga biktima na si Joswe Llaneta.
Sa hindi inaasahan, bigla nalang kinuha ni Bacus ang kanyang dalang granada, tinanggalan ng pin at inihagis sa lupa na gaing dahilan ng pagkasugat ng tatlong mga biktima.
Kaagad na dumating ang mga police na nagresulta sa pagka-aresto ng suspect kung saan nakuhaan rin ito ng isang .38 cal na pipstola at limang mga bala.
Narecover mula sa crime scene ang isang metallic fragment mula sa sumabog na granada.
Samantala, patuloy pa ring ginagamot sa ospital ang mga bikitima.










