-- Advertisements --
image 7

Kinumpirma ng Commission on Elections na mayroong tatlong preso ang nanalo bilang kagawad sa idinaos na Barangay elction.

Subalit nilinaw naman ni Comelec chairman George Garcia na pinayagan ang kanilang kandidatura dahil hindi pa convicted ang mga ito sa anumang krimen o kasalukuyang nililitis pa ang kanilang kaso na nakapila sa mas mataas na korte salig na rin sa guidelines na ipiantupad ng Comelec,

Kung kayat pinayagan ang mga itong bumoto at kumandidato,.

Ang dalawa aniya ay mula sa Calabarzon region o sa Dasmariñas City Jail at Tanay sa Rizal habang ang isa naman ay mula sa Region 10 o sa Ipulan sa Cagayan,

Ayon pa sa Comelec chair, maaari lamang magsilbi sa posisyon sa barangay ang mga ito kapag naabswelto na sila sa kanilang kaso.