-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na umabot pa SA pagsalubong ng bagong taon ang tatlong residente matapos mabangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang pampasaheroang bus sa national highway ng Purok-8, Baranggay San Pedro, Allegria, Surigao del Norte kahapon ng hapon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Maj. Renel Serrano, information officer ng Police Regional Office (PRO-13) dead on the spot ang mga sakay ng traysikel na kinabibilangan ng driver nito na si Victoriano Nasayao ng Purok-6, Brgy. San Pedro, Sison, Surigao del Norte na nakilala lang sa dala nitong identification card (ID).

Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang dalawang sakay nito.

Dagdag pa ni Serrano, base sa inisyal na imbestigasyon ng Alegria Municipal Police Station, nalaman na bandang ala-1:30 ng hapon habang binabaybay ng side car na may karga ring pitong baboy ang nasabing highway ay bigla aniya pumotok ang isa sa mga gulong nito at nawalan ng kontrol si Nasayao dahilan kaya inararo nito ang kasalubong na bus na nasa kabilang lane ng kalsada.