-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang dalawang iba pa matapos ang naganap na pamamaril sa Winnipeg, Manitoba, Canada.

Ayon sa Winnipeg Police Service, naganap ang pamamaril dakong alas-4 ng umaga sa downtown area ng lugar.

Agad na nasawi sa lugar ang isang babae at lalaki habang ang pangatlong biktima ay sa pagamutan na nalagutan ng hininga.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril na mabilis namang tumakas matapos ang insidente.