-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang patay sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng nasabing grupo at mga sundalo.

Ayon kay Col. Eduardo Gubat, commanding officer ng 603rd Brigade Philippine Army nakita umano ng mga sundalo ang kampo ng NPA sa Mount Lumuton sa Palimbang, Sultan Kudarat na nagresulta sa engkwentro.

Narekober sa area kung saan nangyari ang insidente ang mga baril at generator set na pinaniniwalaan na gagamitin ng NPA sa selebrasyon na kanilang ika-52 na founding anniversary ngayong araw.

Umapela si Col. Gubat sa mga sakop ng NPA na nasa bundok pa nga magsurender na dahil handa ang gobyerno sa pagtulong para makabalik sa normal ang buhay.

Maaring makikigpag-ugnayan sa militar o kaya sa lokal na gobyerno ang nais sumuko.