CAUAYAN CITY- Mga natitirang remnants ng Komiteng Probinsyang Isabela- Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley ang tatlong kasapi ng Communist terrorist group na sumuko sa tropa ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade sa Lunsod ng Santiao at sa San Pablo, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Phil. Army na ang mga sumuko ay sina alias “Lerio,” dating secretary of Central Front Isabela at kasalukuyang Education Staff ng Komiteng Probinsyang Isabela; alias “Del,” Intelligence Officer and Squad Leader ng Squad Dos; at alias “Victor,” Miyembro ng Squad Uno, na pawang kasapi ng Komiteng Probinsyang Isabela – Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley
Sinabi ni Captain Pamittan na ang tatlong sumukong NPA ay matagal nang kumikilos sa Isabela.
Batay anya sa salaysay ng mga sumuko, mayroon din silang namatay na miyembro dahil sa pakikipaglaban at nagkakasakit makaraang walang makain at gamot na kanilang inilibing sa Maconacon, Isabela.
Sobrang gutom anya ang kanilang naramdaman dahil sa pinaigting na pagtugis sa kanila ng mga sundalo.
Unti unting nahikayat ang mga rebelde na sumuko dahil nararamdaman nila ang pinaigting na pagtugis sa kanila ng militar at mga pulis at sa tulong na rin ng kanilang pamilya.