DAVAO CITY – Nasa tatlong mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan sa Barangay Tupaz Maragusan, Davao de Oro.
Sinasabing habang nagsagawa ng focused military operations ang mga miyembro ng 1001st Infantry Brigade 1001(Bde), nagka-engkuwentro sila sa mga miyembro ng Regional Operations Command (ROC) ng NPA , Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Unang kinilala ni Brig. Gen. Jesus Durante III, 1001Bde commander, ang mga napatay na NPA sina Ezequil Cortez Daguman alyas Rey/Ry, miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee at deputy secretary ng ROC, SMRC; Ruel Baylon alias James; at Quirino Remegio alias Jelly/Manoy.
Matapos umano ang engkuwentro, narekober ng militar ang mga matataas na kalibre ng armas, improvised explosive device, iba’t-ibang klase ng bala, medical paraphernalia, at personal na mga bagay ng NPA.
Nabatid na si Daguman ay may arrest warrants dahil sa kasong kidnapping, serious illegal detention, double murder, robbery with violence, at murder.
Ang nasabing accomplishment ay bahagi ng pagpapatupad ng Executive Order (EO) 70 o ang whole-of-nation approach para mapatibay ang serbisyo ,makamit ang kapayapaan at matapos na ang communist insurgency sa bansa.
Nanawagan na lamang si Pangulong Duterte at iba pang mga miyembro ng NPA na sumuko na lamang sa gobyerno at samantalahin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) isang government program na tutulong sa mga dating rebelde na gustong makasama ang kanilang mga pamilya.
Nabatid na mula ng umupo sa puwesto si Pangulong Duterte, maraming mga rebelde at supporters nito ang bumalik na sa gobyerno at natulungan sa iba’t-ibang mga programa ng pamahalaan.










