-- Advertisements --
supreme court

Isa pang petisyon ang inihabol na ihain sa Supreme Court (SC) para hilinging ipahinto ang pagpapatupad ng RA 11479 o Anti Terrorism Act of 2020.

Hiniling ng Philippine Allinace of Human Rights Advocate (PAHRA) at Ateneo Legal Services Center na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunciton para pigilan ang mga respondents na maipatupad ang ilang probisyon ng Anti Terror Law.

Kasama pa sa naghain ng petisyon sina Jimmy Bla, Nazr Dilangalen at Main Mohammad na mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at nakakulong ngayon sa Mindanao.

Kabilang din sa mga nais nilang ipahinto ang Section 10, 12 na my kaugnayan sa Section 3 at Section 25, 29, 34 at 36 ng nasabing batas.

Katwiran ng grupo, nilalabag daw ng naturang batas at binabalewala ang proteksiyon sa karapatan ng bawat mamamayan lalo na ang mga inosenteng basta na lamang aarestuhin dahil sa sila ay pinaghinalaang mga miyembro o sumusuporta sa teroristang grupo.

Respondent sa naturang petisyon ang mga opisyal at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na kabahagi sa pagpapatupad ng Anti Terror Law.

Ang naturang petisyon ay ang ika-28 nang petisyon na iniain na kumukuwestiyon sa kontrobersiyal na batas.