
Posibleng kailanganing umangkat ng Pilipinas ng 3 million metrikong tonelada ng bigas para sa susunod na taon sa gitna ng nakaambang kakulangan dala ng mababang produksiyon at mataas na pagkonsumo ng pagkain.
Sa pagtaya ng Federation of Free farmers (FFF) ang stocks ng bigas ay tinatayang nasa 427,000 tonelada lamang pagsapit ng ikatlong quarter ng 2023.
Bagamat posibleng tumaas ito sa katapusan ng 2022 subalit maliit lamang na nasa 321,000 tonelada na sapat lamang para sa siyam na araw.
Ibinunyag ni FFF chairman Leonardo Montemayor na sa unang bahagi ng 2023, magkakaroon ng pupward pressure sa mga presyo kung saan ang carryover stock mula sa unang semester ay magiging katumbas lamang ng isang buwang suplay.
Ayon pa sa grupo ng magsasaka, ang pagbaba sa rice stocks ay dahil sa mababang taunang produksiyon ng bigas sa 2022 at parehong antas ng rice output kada semester para sa susunod na taon.
Inaasahan din na tataas ang pagkonsumo ng pagkain ng hnaggang 1.3% sa susunod na taon bunsod na rin sa paglobo ng populasyon ng 1.3%.
Kayat kailangan ang pagaangkat ng nasabing dami ng bigas para sa susunod na taon para mapunan ang nakaambang kakulangan ng suplay.










