-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos ang pagsabog ng bomba sa isang kainan sa Moscow, Russia.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nangyari ang pagsabog sa Kudrinskaya square kung saan mayroong 21 iba pa ang nasugatan.

Sinabi ng National Anti-Terrorist Committee (NAK) na isang babae ang may dala ng bomba at tinangkang pumasok sa isang restaurant.

Matapos na ito ay pigilan ay doon sumabog ang bomba kasamang nasawi ang babaeng suspek.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng nasabing suspek sa pagdadala ng bomba.