-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ilang oras na nawalan ng tustos ng kuryente ang mga bayan ng San Mariano , Naguillian, Benito Soliven at ilang bahagi ng Ilagan City dahil sa bumanggang sasakyan sa poste ng kuryente sa barangay San Manuel, Naguillian..

Ito ay dahil bumangga ang sasakyan ng contructor ng plantang Bio-Ethanol sa isang poste ng kuryente ng Green Future Innovations Incorporated (GFII) 69KB Line Pole sa barangay San Manuel, Naguilian

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Foreman Reniel Bartolome ng ISELCO 2 Naguillian Branch na nasira ang poste ng kuryente ng GFII kung saan naka-underbuilt ang linya ng kuryente ng ISELCO 2.

Palabas umano ang sasakyan na maghahakot sana ng mga tubo nang biglang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng sasakyan at naibangga nito ang poste ng kuryente ng GFII.

Sinabi ni Foreman Bartolome na sasagutin ng driver at contructor ng sasakyan ng tubo ang gastusin sa mga nasira gayundin ang charges ng ISELCO 2 sa ilang oras na pagkaka-brownout.

Kaagad anya silang tumugon at pinalitan ang poste ng kuryente kung saan inilagay ang linya ng ISELCO 2 kaya bumalik na ang daloy ng kuryente.