-- Advertisements --
122947242 1085494185234268 897426214305347958 n

KORONADAL CITY – Inaasahang ilalabas sa araw ng Lunes ang damage assessment report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat matapos nanalasa ang buhawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Palimbang Mayor Joenemi Kapina, apektado ang tatlong barangay ng naturang kalamidad na kinabibilangan ng Barangay Milbuk, Libua at San Roque.

Sinira naman ng malakas na hangin ang dalawang kabahayan at isang paaralan na natumbahan ng puno sa naturang mga barangay.

Ayon kay Mayor Kapina, kaagad silang nagsagawa ng clearing operations nang lumipas ang kalamidad kung saan nakabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang nasa 10 apektadong pamilya.

Pinag-iingat rin nito ang kaniyang mga kababayan sa pinsalang dulot naman ni bagyong Rolly na inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan at hangin.