-- Advertisements --
Patay ang tatlong suspek na umatake sa isang sikat na hotel sa Kabul, Afghanistan.
Agad na nirespondihan ng mga Afghan forces ang ulat na may ilang mga armadong suspek ang nagpaulan ng bala sa Kabul Longan Hotel sa Central Kabul.
Walang nadamay na mga dayuhan sa nasabing insidente subalit mayroong dalawang sugatan dahil sa pagtakas habang nagkakaroon ng palitan ng putok.
Gumamit pa ng pampasabog ang mga suspek kung saan nasira ang isang palapag ng hotel.
Nangyari ang atake matapos ang pagbisita ng ambassador ng China kay Afghan deputy foreign minister para talakayin ang usapin ng seguridad.
Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.